Ikatlong Himagsik: Himagsik Laban sa Maling Kaugalian
Ni: Raindel M. Servento
Ang Himagsik Laban sa Maling Kaugalian ay isa sa Apat Na Himagsik ni Francisco Baltazar sa awit niyang Florante at Laura. Sa himagsik na ito, tinatalakay ang maling pag-uugali ng mga tao sa lipunan noon maging hanggang ngayon katulad ng pang-aagaw ng sinta, paghihiganti, maling pagpapalaki at pagaaruga sa anak, pagtataksil, at iba pang uri ng maling pag-uugali.
Sa akdang Florante at Laura, ipinapakita dito ang mga aling kaugalian. Isa na dito ang paghihiganti ni Konde Adolfo kay Florante. Dahil sa matinding inggit ni Konde Adolfo, humanap siya ng pagkakataon upang paslangin ang kinapopootan niyang si Florante. At habang nagsasadula sila, nakita ni Adolfo ang pagkakataon upang pagtangkaan ang buhay ni Florante, ngunit hindi lamang iyon. Nilapastangan niya ang sarili niyang hari, inagaw ang korona, at inagaw si Laura mula kay Florante na siyang sinisinta ni Laura. Isa pang halimbawa ay ang kataksilan ni Sultan Ali-adab sa kaniyang anak na si Aladin. Ginamit niya ang paratang laban sa kaniya upang mapalayo ang anak at upang magpakasal kay Flerida, ang sinisinta ni Aladin.
Sa pamamagitan ng akdang Florante at Laura, ipinahihiwatig ni Francisco Baltazar ang maling
pag-uugali ng mga tao sa lipunan.Ipinahihiwatig iya na mag-iingat tayo sa mga tao sa paligid natin sapagkat maaari tayong mapahamak sa kanilang ginagawa lalong-lalo na sa mga taong malapit sa ating puso na maaari tayong pagtaksilan at saktan kahit anuman ang oras.
No comments:
Post a Comment