Friday, May 11, 2018

Ang Mga Himagsik ni Balagtas sa Florante at Laura: Himagsik Laban sa Maling Kaugalian at Maling Pagpapalaki sa Anak


Himagsik Laban sa Maling Kaugalian 


   Ang akdang Florante at Laura ni Francisco Balagtas ay isinulat noong panahon ng mga Espanyol. Ito ay may apat na himagsik at isa na dito ang Ikatlong Himagsik: Himagsik Laban sa Maling Kaugalian o Maling Pagpapalaki sa anak.

  Ang himagsik na ito ay binabatikos ang mga kaugaliang masasama noong panahon ng Espanyol maging hanggang sa panahong kasalukuyan. Sa pamamagitan ng akdang ito, gumawa si Balagtas ng mga kaganapang maaaring mangyari sa totoong buhay upang kutyain ang mga taong may masasamang ugali kagaya ng pagkamainggitin ni Adolfo kay Florante na siya ring nadulot ng trahedya sa Albanya.

246
"Kung ang isalubong sa iyong pagdating
ay masayang mukha`t may pakitang giliw,
lalong pag-ingata`t kaaway na lihim
siyang isaisip na kakabakahin."

   Sinasaad ng saknong na ito ang paglinlang ni Adolfo kay Florante maging sa kaniyang mga guro`t kaibigan. Babatiin ka muna ng isang ngiti at ipagkakanulo ka kung nakatalikod ka sa kaniya. Hindi lamang kainggitan ang masamang ugali, kundi mas marami pa kagaya ng pagpoot, pagtaksil, pagkamapanghamak, pang-aagaw sa pag-ibig, at iba pang masasamang ugali sa lipunan.

  Hindi lamang mga pangyayari ang ginawang halimbawa ni Balagtas upang ipakita ang mga masasamang ugali, kundi pati na nag mga tauhan ay may simbolismo ng maling pag-uugali. Si Adolfo ay nagsisimbolo sa isang taong mapaghiganti. Ipinapatay niya ang ama ni Florante at hinagis siya sa kagubatan upang pakainin sa mga leon. Ang isa pang halimbawa ay si Sultan Ali-Adab kung saan naiinggit siya sa pagmamahalan nina Aladin at ni Flerida. Ipinapatay niya ang sarili niyang anak na si Aladin at inagaw mula sa kaniya si Flerida, ang sinisinta ng anak.

  202
"Ang laki sa layaw karaniwa`y hubad,
sa bait at muni`t sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak."

 Ang saknong na ito ay Himagsik Laban sa Maling Pagpapalaki sa Anakat ipinapahayag na ang pagpapalayaw at pagpaparaya nang labis sa anak ay makahahantong sa kasakimang pag-uugali ng anak.

   Sa pamamagitan ng akdang nilimbag ni Balagtas na "Florante at Laura", ipinapakita niya ang mga maling pag-uugali ng mga tao noon maging hanggang sa kasalukuyan na hindi dapat taglayin ninuman.

   "Kung ang tao ay may masamang kaugalian, ay kamatayan ang hahantungan."

Sanggunian
- https://www.slideshare.net/lovebordamonte/apat-na-himagsik-ni-francisco-balagtas
- "Florante at Laura: Ang Pinaikling Bersiyon" Libro

No comments:

Post a Comment